^

Metro

Pawnshop nilooban: Suspects dumaan sa hukay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man nare­resolba ang naganap na panghoholdap sa isang money remittance company  sa Parañaque City, isa na namang pawnshop na meron ding money remittance ang pinasok ng isang grupo ng mga suspect kung saan dumaan sa tunnel ang mga ito kahapon ng umaga  sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Police chief of police, Senior Superintendent Roderick Armamento,  po­sibleng dakong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng umaga isinagawa ang pan­loloob ng hinihinalang grupo ng ‘Acetylene Gang’ sa isang sa­ngay ng Cebuana Lhuillier Pawnshop na matatagpuan sa MacArthur Highway, Brgy. Dalandanan,Valenzuela.

Kinaumagahan ay saka lamang nadiskubre ng guwardyang naka-duty ang naganap na panloloob sa pawnshop matapos makita rito ang isang malaking butas.

Ayon sa pulisya, humukay ng ma­lalim ang mga  suspek  at dumaan ang mga ito sa tunnel hanggang sa nakapasok sa nabanggit na establisimiyento.

Natangay ng mga suspek ang mga pera, alahas at mahahalagang kaga­mitan ng naturang pawnshop at inaalam pa ng pulisya kung magkanong halaga ang nawala rito.

Ayon kay  Armamento, sinusuri nila ang footage na nakuhanan ng CCTV para posibleng makilala ang mga suspek.

 

vuukle comment

ACETYLENE GANG

ARMAMENTO

AYON

CEBUANA LHUILLIER PAWNSHOP

SENIOR SUPERINTENDENT RODERICK ARMAMENTO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with