^

Metro

Habang hinihintay ang misis Parak itinumba sa Malabon

Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Utas ang isang pulis nang tambangan ng limang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nakaupo sa motorsiklo at hini­hintay ang kanyang misis kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dead-on-the-spot san­hi ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ang biktimang si PO2 Rolando Madronero Jr., 32 at naka­talaga sa Regional Police Holding Area Unit (RPHAU), National Capital Region Polic­e Office (NCRPO).

Ayon kay Malabon City Police Chief Sr. Supt. Ferdinand Ampil, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng umaga sa 1st St., Brgy. Tañong ng naturang lungsod.

Nabatid na nakaupo ang biktima sa kanyang motorsiklo at hinihintay ang kanyang misis upang mag-intrega ng suweldo nang biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sa­bing pinagbabaril ang pulis.

Matapos ang pamamaril  ay parang walang nangya­ring naglakad lamang ang mga suspek habang na­iwan ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Pa­tuloy pa rin ang imbes­tigasyon ng awtoridad hing­gil sa nasabing insi­dente habang blangko pa sa motibo sa naganap na pamamaslang.

 

vuukle comment

AYON

FERDINAND AMPIL

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

NATIONAL CAPITAL REGION POLIC

REGIONAL POLICE HOLDING AREA UNIT

ROLANDO MADRONERO JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with