^

Metro

Pepe Pimentel, pumanaw na

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na ang dating television perso­nality na si Jose “Pepe” Pimentel matapos na tumama ang ulo sa semento ng kanilang banyo sa lungsod Quezon kahapon.

Si Pimentel, 82, dating na­ging TV host ng variety show na ‘Kuwarta o Kahon’ ay nakitang walang buhay sa may comfort room ng kanyang bahay sa 37 Scout Tuazon St., Brgy. Laging Handa ganap na alas-10:30 ng umaga.

Ayon kay Jessie Santos, pamangkin ni Pimentel, bago ang insidente, tinawagan umano siya ng ilang kasambahay at sinabihan siyang pumunta dahil nadulas anya sa banyo ang biktima.

Agad naman siyang pumunta hanggang sa makita niya ang tiyuhin na nakahandusay sa bathroom at wala nang buhay.

Si Pimentel ay nagtamo ng sugat sa likuran ng kanyang ulo mula sa pagtama nito sa lapag ng kanilang bathroom.

Sinasabi ni Santos, malakas pa anya ang biktima dahil madalas na naglilinis umano ito sa labas ng kanilang bahay na nakagawian na nito tuwing magigising sa umaga.

“Actually naglilinis pa sa buong barangay araw-araw yan (Pimentel) dahil  dati kasi siyang barangay chairman dito,” sabi ni Santos sa mga mamamahayag.

Bukod dito, bumibili pa umano ng almusal ang biktima sa umaga, kaya wala silang nakikitang sakit ito sa katawan.

vuukle comment

AYON

BRGY

BUKOD

JESSIE SANTOS

KAHON

KUWARTA

LAGING HANDA

SCOUT TUAZON ST.

SI PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with