^

Metro

Rumesbak para sa kaibigan, tinarakan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na binatilyo nang saksakin ng isang lalaki na nag-trip umanong  manaksak sa kanyang kaibigan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Metropolitan Medical Center  ang biktimang si Ian Villanueva, estudyante, ng Alvarado St., Binondo dahil sa tinamong saksak.

Naaresto naman ang suspect na nakilalang si Elmer Dangkalan, 21, ng nabanggit ding lugar.        

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide, dakong alas-7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng C.M. Recto  at  Alvarado St., Binondo.

Bago ang insidente, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang ilang kaibigan, nakilala sa pangalang  sina Joseph, Eurazo, at si Adonis. Ilang saglit pa ay tumayo si Adonis para umihi nang habang naghahanap ito ng lugar na maaaring maihian ay biglang lumapit ang suspect na may dalang patalim  at bigla itong inundayan ng saksak pero nakailag.               

Nakita naman ng mga kainuman ang ginawa kay Adonis  na kinabibilangan ng biktima kaya hinabol nila ito hanggang sa makorner nila sa isang compound.

Dahil sa wala nang matatakbuhan ay nanghalihaw na lamang ng saksak ang suspect sa mga humahabol at ang biktima ang siyang napuruhang tamaan sa dibdib.

Nasakote naman nang nagrespondeng pulisya ang suspect  at kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng kaso.

 

vuukle comment

ALVARADO ST.

AYON

BINONDO

DAHIL

ELMER DANGKALAN

EURAZO

IAN VILLANUEVA

METROPOLITAN MEDICAL CENTER

RODELIO LINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with