^

Metro

Trike driver binoga habang namamasada

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang tricycle driver ang nasawi makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin habang naghihintay ang una ng pasahero sa lungsod  Quezon, kamakalawa.

Si Bienvenido Biclar, 30, ay nakita na lamang nakabulagta sa loob ng kanyang tricycle sa may Santo Rosario St. sa Brgy. Commonwealth. Nangyari ang insidente ganap na alas-8:30 ng gabi habang ang biktima ay nag-aabang ng kanyang pasahero sa naturang lugar.

Ayon kay Carolina Basas, may-ari ng pinapasadang tricycle ng biktima, nakarinig na lamang sila ng putok ng baril habang nasa loob ng kanyang bahay at nanood ng telebisyon.

Dahil dito, agad na lumabas ng kanyang bahay si Basas para tingnan hanggang sa bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay sa loob ng tricycle. Si Biclar ay nasawi dahil sa tatlong tama ng bala na natamo sa kanyang ulo.

Narekober ng awtoridad sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre .45 at caliber .22 revolver na may lamang apat na bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AYON

BASAS

BRGY

CAROLINA BASAS

DAHIL

ISANG

KANYANG

SANTO ROSARIO ST.

SI BICLAR

SI BIENVENIDO BICLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with