^

Metro

Magpinsan natagpuang patay sa loob ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng dalawang da­­la­gita na magpinsan nang matagpuan ang mga bangkay ng mga ito  na tadtad ng saksak sa loob ng tinitirhang bahay, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang mga biktima na sina Diana Rose Liza Ulam, 15 at Joana Liza Coronado, 10, kapwa naninirahan sa Padas Alley, Langa­ray, sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang mga bangkay ng biktima ng kuya ni Coronado. 

Dadalhan umano nito ng pagkain ang da­lawang dalagita ngunit nang paulit-ulit na kumatok at hindi siya pi­nagbubuksan, napilitan  na itong sumilip at nakita ang mga bakas ng dugo sa loob ng bahay.

Humingi ng tulong ang kuya ni Coro­nado sa mga barangay tanod at nang buksan ang kuwarto ay tumambad ang duguang bangkay ni Ulam habang sa loob naman ng banyo nakita ang katawan ng biktimang si Coronado.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may nakita namang bakas ng dugo sa katabing bahay ng mga Coronado. Nagmamadali uma­nong umalis ng bahay ang mga nakatira dito na hindi muna pina­nga­lanan ng pulisya. 

Nabatid rin na ginamitan ng “bolt cutter” ang kandado ng bahay kaya napasok ng mga salarin.

Nabatid na naki­ki­tira sa bahay ng mga Coronado si Ulam makaraang umuwi sa pro­ binsya ang nanay nito dahil sa may namatay na kaanak. 

Inaalam pa naman ng pulisya ang motibo ng mga kri­minal at kung ginahasa ang mga biktima.

vuukle comment

BAHAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DIANA ROSE LIZA ULAM

JOANA LIZA CORONADO

NABATID

PADAS ALLEY

SHY

ULAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with