^

Metro

Binata dinukot, bago pinatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang iwan ng mga salarin ang isang lalaki ilang minuto matapos na siya’y dukutin ng apat na armadong suspect habang nakikipag-usap sa isang karinderya sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Alfon, 34, binata ng Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Ayon kay PO2 Ric Roldan Pittong, bago ang insidente, apat na kalalakihang sakay ng isang kulay silver na Toyota Vios (XPJ-946) ang umano’y dumukot sa biktima malapit sa Brgy. Holy Spirit.

Sinabi ni Anthony, nagkukuwentuhan sila ng kapatid at apat pang kaibigan sa may Mila’s carinderia sa nasabing lugar nang biglang huminto ang sasakyan ng mga suspect, saka lumabas mula dito ang tatlong armado.

Dito ay agad na tinutukan ng baril ng mga suspect ang biktima saka puwersahang isinakay sa kanilang sasakyan at tina­ngay patungong Republic Avenue.

Makalipas ang alas-12:30 ng madaling-araw, ayon kay Erlina Lacerna, barangay public safety officer (BPSO) nakita niya ang naturang sasakyan na huminto sa harap ng Bethel Christian School na matatagpuan sa Orlina St., corner Republic Avenue, Brgy. Greater Fairview.

Mula dito ay itinulak ang biktima papalabas saka pinagbabaril sa katawan at pagkatapos ay umiskapo papalayo ang mga suspect.

vuukle comment

ALDRIN ALFON

BETHEL CHRISTIAN SCHOOL

BRGY

ERLINA LACERNA

GREATER FAIRVIEW

HOLY SPIRIT

NAWASA LINE

ORLINA ST.

REPUBLIC AVENUE

RIC ROLDAN PITTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with