^

Metro

Engineer patay sa taga ng quarter master

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-an­yos na chief engineer nang pagtatagain ng jungle bolo ng isang quarter master, habang naglalayag ang sinasakyang M/T Nicole na padaong sa Manila Harbour Center, North Harbor, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Joey de  Ocampo,  hepe ng Manila Police District-Homicide  Section ang biktimang si Rio Billones, 34, resi­dente ng Juan Luna corner M. Industria Sts., Tondo. 

Arestado naman ang suspect na si Julito Sibongga, 40, ng Kasahan St., Batasan Hills Quezon City.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi nitong Sabado sa loob ng tugboat  na M/T Nicole.

Sa  salaysay ni  Eliseo Sacedor, 46, stay-in ca­tain ng Coastline Integrated Services Corporation, na matatagpuan sa No. 1357 Romualdez st., Paco, May­nila, pinapatakbo niya ang tugboat patungo sa Delpan nang marinig niya ang pag-aaway nina Billones at Sibongga.

“Sige patayin mo ako...patayin mo!”, ito pa umano ang narinig ni Sacedor na kaya  habang papadaong ay iniradyo na sa operation officer ng Coastline Integrated Corporation ang nagaganap sa loob ng tugboat.

Nang pagtatagain na umano ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay inutos na niya  agad sa mga tripulante na iangkla na ang tugboat habang ang suspect umano ay nagtangkang tumakas.

Bago pa man tuluyang makatalon sa dagat ay itinapon na sa tubig ang jungle bolo  at tumakbo  subalit mabilis siyang dinamba ng operation officer na si Dominador Torres, pagsapit sa gate ng Manila North Harbor na naging dahilan upang ma­­­ aresto.

Nakapiit na sa MPD-Homicide Section ang suspect na isasailalim sa inquest proceedings para sa kasong murder.

vuukle comment

BATASAN HILLS QUEZON CITY

COASTLINE INTEGRATED CORPORATION

COASTLINE INTEGRATED SERVICES CORPORATION

DOMINADOR TORRES

ELISEO SACEDOR

HOMICIDE SECTION

INDUSTRIA STS

JUAN LUNA

T NICOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with