^

Metro

Snatcher tiklo ng BSF

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unti nang mawawala ang insidente ng snatching sa Pasig City matapos na maaresto ng Barangay Security Force (BSF) ang isang talamak na snatcher sa lungsod kahapon ng hapon.

Nakilala ang suspect na si Luis Labbadan, 20, nakatira sa Blk. 2 Melendez Apartment, Jenny’s Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City matapos na ireklamo ng biktimang si Romelyn Geremillo, 24; call center agent ng Isagani St., Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Ayon sa biktima, lulan siya ng pamsaherong jeep na biyaheng Rosario-Pasig, kung saan nakasakay din umano ang suspect nang pagdating umano sa Jenny’s Avenue ay bigla na lang sinunggaban ng huli ang Nokia cell phone na nagkakahalaga ng P12,000 ganap na alas-3:00 ng hapon.

Nakipag-agawan pa umano ang biktima subalit nanaig ang bilis ng suspect at tuluyan niya itong naitakbo.

Nagsisigaw ang biktima na naging dahilan upang maka­tawag ito ng pansin sa mga naka-duty na BSF ng Brgy. Rosario at hinabol ang suspect na naging dahilan upang tuluyan itong maaresto.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY SECURITY FORCE

BRGY

ISAGANI ST.

LUIS LABBADAN

MELENDEZ APARTMENT

NAGSISIGAW

NAKILALA

PASIG CITY

ROMELYN GEREMILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with