^

Metro

Bebot pinatay sa sakal

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi nakikilalang babae na hinihinalang pinatay sa pamamagitan ng pananakal ng kasamang lalaki ang natagpuan sa loob ng isang hotel sa Cubao, lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Dahil walang pagkakakilanlan, ang biktima ay isinalarawan nasa pagitan ng edad 25-30, 5’5 ang taas, at kayumanggi ang kulay ng balat nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at  itim na sapatos. 

Ayon sa ulat, nadiskubre ang katawan ng biktima sa Rm. 409 ng Spring Hotel na matatagpuan sa may no. 4 Pinatubo St., Brgy. Kaunlaran ganap na alas 6:30 ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Alvin Qui­sumbing, may-hawak ng kaso, may bakas ng pananakal sa leeg ng biktima nang matagpuan sa nasabing hotel na indikasyon na matinding pananakal ang ugat para ito masawi.

Base sa pagsisiyasat mula sa CCTV monitor ng hotel, nag-check in ang suspect ganap na alas 9:13 ng umaga, kasunod ang biktima ganap na alas 10:23 ng umaga.

Alas 6:30 ng gabi ng tawagan ng front desk ng hotel ang kuwarto ng suspect para sabihing tapos na ang oras nila.

Pero dahil walang sumasagot sa kuwarto ng suspect ay inutusan na ng front desk ang roomboy na si Pedro Frias na puntahan ito.

Makailang ulit na kinatok ni Frias ang pinto, pero walang sumasagot dahilan para magdesisyon na itong buksan ng puwersahan ang pinto gamit ang duplicate key.

Pagkabukas ni Frias ng pinto ay saka tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima, habang nakadapa sa sahig.

Agad na ipinagbigay alam ni Frias ang nasaksihan sa kanyang supervisor na siya namang nagpabatid sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng ligature mark sa palibot ng kanyang leeg.

 

vuukle comment

ALVIN QUI

AYON

BIKTIMA

BRGY

CUBAO

FRIAS

PEDRO FRIAS

PINATUBO ST.

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SPRING HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with