^

Metro

3 parak sugatan mobile car, niratrat

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sugatan ang tatlong pulis matapos tambangan ng isang armadong grupo ng kalalakihan habang nakasakay sa isang mobile patrol car kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nilalapatan ng lunas sa Commonwealth Medical Center ang mga biktimang sina PO3 Edmund Bueno; PO2 Chilbert Ofalla at PO2 Don Enrico Mendoza, nagtamo ng ilang tama ng bala sa kani-kanilang katawan.

Samantala, nakaligtas naman ang isa pang kasamahan ng mga biktima na si PO2  Joel Pinon.

Sa sketchy report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa Waling-Waling St., Maligaya Park, Brgy. 177, Camarin, Caloocan City North habang sakay ang mga biktima ng isang police mobile patrol car at nagpa­patrulya sa nabanggit na lugar nang biglang sumalakay ang mga suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang naturang mga alagad ng batas.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala ang mga sugatang biktima sa nasabing ospital.

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa nga­yon ng pulisya, hinggil sa insidente.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY NORTH

CHILBERT OFALLA

COMMONWEALTH MEDICAL CENTER

DON ENRICO MENDOZA

EDMUND BUENO

JOEL PINON

WALING-WALING ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with