^

Metro

Jobless nagbigti

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 29-anyos na binata dahil sa kabiguan umanong makahanap ng trabaho sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawing si Dennis Chan, ng Sta Mesa, Maynila. Napag-alaman na alas-10:30 ng gabi nang matuklasan ang nakabigting biktima sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang isang puting kumot. Ayon kay Ruby Chan, 64, ina ng nasawi alas-9:00 ng gabi ay iniwan niyang mag-isa ang anak upang magsimba at bumalik siya alas-10:15 ng gabi at dumiretso sa loob ng kanyang kuwarto. Ilang sandali pa ay naisipan niyang silipin ang anak sa silid nito kung saan nakita niya itong nakahiga sa sahig ng walang buhay habang may nakapulupot na kumot sa leeg. Inamin ng ina ng biktima na tahimik ang kanyang anak at hindi nagkukuwento sa kanyang problema subalit alam niyang matagal nang iniisip nito kung paano makakahanap ng trabaho, na alam niyang dahilan lamang para magpakamatay ito.

vuukle comment

AYON

DENNIS CHAN

ILANG

INAMIN

KINILALA

MAYNILA

NAGPAKAMATAY

RUBY CHAN

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with