^

Metro

Salvage victim pa, natagpuan sa QC

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang bangkay na naman ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution at may bakas ng pananakal ang natagpuan sa isang barangay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa edad na 30-40, may taas na 5”, moreno, payat, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na short pants na may puti at pulang stripes, at tadtad ng tattoo sa buong katawan.

Ang biktima ay nadiskubre sa harap ng isang bahay sa Blumentritt Extension, malapit sa panulukan ng Calamba St., Brgy. San Isidro Labrador, ganap na alas-5 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, ang biktima ay nagtamo ng bakas ng pananakal sa leeg na pinaniniwalaang paraang ginamit ng salarin para siya paslangin.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente kung saan ito ang pang-10 bangkay na natatagpuan sa nasabing lungsod.

vuukle comment

BAKAS

BANGKAY

BIKTIMA

BLUMENTRITT EXTENSION

BRGY

CALAMBA ST.

ISANG

PATULOY

QUEZON

SAN ISIDRO LABRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with