Akyat-bahay sinamantala ang ulan sa pagsalakay
- Ricky ­Tulipat (The Philippine Star) - August 8, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinamantala ng mga mag­nanakaw ang matinding pagbuhos ng ulan dahil tatlong ne­gosyante ang iniulat na na­biktima ng mga ito sa magkakahiwalay na insidente ng pagnanakaw mula Martes hanggang Miyerkules ng uma­ga sa lungsod Quezon.

Lumilitaw na ang pag-atake ng mga suspect ay naganap sa pagitan ng alas-5 ng hapon nitong July 31 hanggang alas-10 ng umaga ng sumunod na araw.

Ilan sa grupo ng magnanakaw ay gumamit ng makalu­mang pamamaraan, sa pa­ma­magitan ng pagsundot sa lock, pagsira sa padlock o ang mas brutal ang pagsira sa bubungan ng target nilang bahay.

Ayon sa pulisya, unang na­ging biktima ay si Rene Garcia na pinasok ng mga suspect ang bahay sa pamamagitan ng pagsira sa bubungan nito sa Tomas Morato Avenue, Ba­rangay Kamuning.

Sinabi ni Garcia, 46, nakita na lamang niya ang bubungan ng kanyang bahay na bukas kung saan dumaan ang mga suspect. Natangay sa kanya ng mga suspect ang isang Nokia 6500 (P20,000) at P13,000 cash.

Ilang sandali ang naka­kalipas ay pinasok naman ng mga suspect ang unit ng isang Me­lanie Hugo, 40 sa may ikatlong palapag ng Quesada building na matatagpuan sa panulukan ng Edsa at Que­ zon Avenue. Nagawang buksan ang unit ng biktima sa pa­mamagitan ng paggamit ng pick lock. Natangay kay Hugo ang kanyang Acer laptop (P45,000), at P49,000 cash.

Kasunod nito ay ang Super Pau Internet Cafe na matatagpuan sa no. 16 Bansalangin St., Brgy. Veterans Village, sa lungsod na pag-aari ng negos­yanteng si Emmanuel Paulino, 40, may, asawa at residente sa no. 16 Wilson St., Brgy. Da­mayan sa lungsod. Nakuha naman kay Paulino ang siyam na piraso ng CPU (P63,000) at limang piraso ng monitors (P20,000).

Sinabi ni Paulino, bago ang insidente, iniwan umano nila ng kanyang empleyado na nakasara at naka-padlock ang steel roll-up cover ng shop hanggang sa pagpasok nila kinabukasan ay natuklasang pinagnakawan na ito.

BANSALANGIN ST. BRGY EMMANUEL PAULINO NATANGAY PAULINO RENE GARCIA SHY SINABI SUPER PAU INTERNET CAFE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with