^

Metro

Vendor tinigok ng kapitbahay dahil sa pangungutang

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bala ang ibinigay sa 27-anyos­ na vendor ng kapit­bahay na kanyang inuuta­ngan matapos magkapikunan sa isyu na nagagawa pang uminom ng una kahit walang  pera sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Amado Lim, tubong Na­guillan,  Isabela at residente ng Interior 13, Lico St., Tondo sanhi ng tama ng bala ng 9mm sa kanyang katawan.

Arestado naman ang suspect na si Jason Alegre, 32, at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:07 ng madaling-araw nang ma­ganap  ang insidente malapit sa harapan ng bahay ng suspect.

Ayon sa mga testigo, bago naganap ang insidente ay kainuman nila ang biktima at sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay dumaan ang suspect sa tapat nila at tinawag ng biktima.

Narinig nila umano na nagagalit ang suspect sa biktima at iniwan ito subalit nang bumalik ay may dalang baril kaya tinangka umano nilang awatin subalit mabilis na binaril nito ang biktima.

Kahit umano  sobrang galit ang suspect ay napasuko ito.

 Sinabi naman ng isa pang kainuman na umuutang umano ang biktima sa suspect subalit hindi siya pinauutang at sa halip ay sinabihan ito na “may pang-inom siya pero walang pera.”  

vuukle comment

AMADO LIM

ARESTADO

AYON

BALA

BERNARDO CAYABYAB

BIKTIMA

HOMICIDE SECTION

JASON ALEGRE

LICO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with