^

Metro

Dahil sa sunud-sunod na aksidente EDSA pinabendisyunan ng MMDA

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Matapos ang sunud-sunod na aksidente, pinabendisyunan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Nag-umpisa ang okasyon dakong alas-6 ng umaga sa south-bound lane ng EDSA-Magallanes na pinangunahan ni Rev. Father Roderick Castro ang pagbebendisyon sakay ng isang pick-up truck kasama sina MMDA Chairman Francis Tolentino at ibang opisyales. Sinabi ni Tolentino na nalaman nila na hindi pa nabebendisyunan ang naturang kalsada mula nang nagawa ito at unang nakilala sa tawag na Highway 54. Unang pinangalanan ang highway ng North at South Circumferential Road nang maitayo noong 1940 ngunit pinalitan ng mga Amerikano ng pangalan na Avenida 19 de Junio na araw ng kapa­nganakan ni Gat. Jose Rizal sa pagtatapos ng World War II bago pinalitan ng pangalan na Highway 54.

Noong 1959, pinalitan ang pangalan na EDSA bilang pagkilala sa bantog na mambabatas at alagad ng literatura na si Epifanio Delos Santos.

Bumiyahe ng convoy ng MMDA mula Magallanes hanggang Muñoz at huminto sa ilang lugar tulad ng Ayala Tunnel, Buendia, Guadalupe, Crossing underpass at Ortigas flyover para manalangin. Isang grupo naman na pinangungunahan ni MMDA General Manager Corazon Jimenez ang nagsagawa rin ng convoy sa northbound lane mula Monumento hanggang EDSA-Taft Avenue.

vuukle comment

AYALA TUNNEL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EPIFANIO DELOS SANTOS

EPIFANIO DELOS SANTOS AVENUE

FATHER RODERICK CASTRO

GENERAL MANAGER CORAZON JIMENEZ

JOSE RIZAL

MAGALLANES

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SOUTH CIRCUMFERENTIAL ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with