^

Metro

Kelot binutas ang bungo

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Humandusay sa daan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na may dalawang tama ng bala sa mukha sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi pa tiyak kung ang nakuhang postal identification card na may apat na metrong layo sa bangkay ng biktima ay pag-aari niya, na may pangalang Michael Dabalos, ng Brgy. Capoocan, Cabe-ulan, Leyte.

Ang biktima ay inilarawan sa edad na 25 hanggang 35; 5’3’’ hanggang 5’5’’ ang taas; nakasuot ng kulay asul na sando, berde at kumbinasyong gray na corduroy short pants.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Road 10, malapit sa Bongavilla St., sa pagitan ng Moriones at Zaragosa Sts., sa Tondo.

Posibleng ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa nasabing kalye. Nagsasagawa pa ng follow-up investigation sa insidente.  

vuukle comment

BONGAVILLA ST.

BRGY

CABE

CAPOOCAN

HUMANDUSAY

LEYTE

MAYNILA

MICHAEL DABALOS

ZARAGOSA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with