^

Metro

Driver/bodyguard sinibak: Nag-amok, namaril

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hinuli ng mga elemento ng Quezon City Police ang isang driver/bodyguard makaraang magwala at mama­maril makaraang sibakin siya sa trabaho ng kanyang security agency sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Orlan Ventura, 48, driver/ bodyguard ng Eagle Matrix Security Agency ng Ready Man Inc., isang manning agency sa 15th Avenue sa Cubao, Quezon City.

Batay sa report, sinasabing nangyari ang insidente pasado alas-7:20 kahapon ng umaga sa nasabing security agency.

Ayon sa ulat, pagdating umano sa kanilang opisina ay biglang nang-agaw ng shotgun si Ventura bago ito pinaputok at saka sumakay sa isang puting Toyota Innova­ na nakaparada sa parking area ng kanilang tanggapan na Ready Man Incorporated.

Dahil dito, aksidente namang nasugatan ang kanyang opisyal na si Michael Cantos, makaraang matalsikan ng bubog na salamin na tinamaan ng bala.

Makalipas ang ilang minutong pakikipagnegosasyon sa kanya ng hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 na si Superintendent Ramon Pranada ay nakumbinsi rin ang suspek na sumuko.

Samantala, pinabulaanan naman ng Manning agency na tinanggal nila sa trabaho si Ventura. Ni-relieve lamang umano ito habang iniimbestigahan sa kanyang pag-a-awol.  

vuukle comment

CUBAO

EAGLE MATRIX SECURITY AGENCY

MICHAEL CANTOS

ORLAN VENTURA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

READY MAN INC

READY MAN INCORPORATED

SUPERINTENDENT RAMON PRANADA

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with