^

Metro

Taxi driver patay sa lolong holdaper

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ng isang matandang holdaper na tinangka ng una na bundulin, kamakalawa ng tanghali sa Pasay City.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .22 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rodolfo Burgos, ng San Juan, Resettlement, Taytay Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, dakong alas-12:10 kamakalawa ng hapon nang maganap ang pamamaril sa may kahabaan ng C. Jose Extension, ng naturang lungsod.

Sa panayam ng mga imbestigador sa saksing si Danilo Alonzo, 30, nasa loob siya ng isang restoran nang makarinig ng putok ng baril sa labas. Dito nito nakita ang isang puting Alkotby taxi (UVR-521) na umaandar nang paatras at hinahabol ang tumatakbong salarin na tinatayang nasa pagitan ng edad na 60-65 anyos, nakasuot ng brown na polo at ball cap.

Nang masukol sa tapat ng Blue Boz Water Station, dito napilitan ang suspek na sunud-sunod na paputukan ang biktima na naging dahilan ng agad nitong pagkasawi. Mabilis na tumakas ang naturang salarin patungo sa EDSA at sumakay sa isang taxi.

Narekober naman ng mga imbestigador ang apat na basyo ng bala ng kalibre .22 baril sa lugar ng krimen. Inilagak naman ang bangkay ng biktima sa Rizal Funeral Homes sa naturang lungsod.  - with reports from Jessica Lanuzga-trainee

vuukle comment

BLUE BOZ WATER STATION

JESSICA LANUZGA

JOSE EXTENSION

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RIZAL FUNERAL HOMES

RODOLFO BURGOS

SAN JUAN

TAYTAY RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with