^

Metro

Misis kinatay ng selosong mister, anak sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang selos ang motibo ng pananaksak at pagpatay ng isang mister sa kanyang misis na iki­na­sugat pa ng kanilang anak sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jenny Mejico, 27, ng B32, L22, Lily St., Brgy. Pasong Putik habang sugatan naman ang anak na si Divine Joy, 4.

Ayon kay SPO1 Gregorio Maramag, may-hawak ng kaso, narekober sa lugar ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak sa biktima matapos iwan ng nasabing suspect na si JC Fornillos.

Sa imbestigasyon ni Maramag, nangyari ang insi­dente ganap na alas-10:45 ng gabi sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sinasabing sa kabila ng pagiging mag-live-in ng da­lawa ay may boyfriend pa umano ang babae na Amerikano na nagpapadala ng pera na siya nilang ginagastos dahil kapwa walang trabaho ang biktima at suspect.

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspect kamakalawa ng gabi hanggang sa lumabas ng bahay ang sugatang si Divine Joy at nag-iiyak na nagsusumbong sa kapitbahay na nagsabing “si Papa sinaksak si Mama.”

Ayon kay Maramag, posib­leng tinangkang awatin ng bata ang kanyang tatay pero sinaksak din siya nito. Sinabi ng mga kapitbahay at kaibigan ng biktima kay Maramag na bagama’t tanggap ni Fornillos ang pagkakaroon ng boyfriend na Kano ng biktima, hindi pa rin nito maiwasang magselos lalo na kung nandito ang Amerikano sa bansa.

Dahil dito, hindi rin batid ng mga kaibigan kung ang ganitong kalakaran ang dahilan ng pag-aaway ng da­lawa ng gabing mangyari ang insidente. Patuloy ang imbestigas­yon ng pulis sa nasabing insidente.

vuukle comment

AMERIKANO

AYON

DIVINE JOY

FORNILLOS

GREGORIO MARAMAG

JENNY MEJICO

LILY ST.

MARAMAG

PASONG PUTIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with