^

Metro

Presyo ng LPG,bumaba ng P11 kada tangke

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bagama’t patuloy na tumataas ang presyo ng oil products, nag-rollback naman sa presyo ng LPG ng may P11 kada tangke simula kahapon.

Ang P1 kada kilo o P11 kada tangke ng LPG na bawas sa presyo ay pabuwena-manong handog ngayong linggong ito ng Regasco, isang independent refiller ng LPG.

Ayon kay LPGMA partylist representative Arnel Ty, dapat ay sa susunod na buwan pa ipatutupad ang rollback pero nagdesisyon ang Regasco company na simulan ito ngayong linggo. Aniya, may kasunod pa itong rollback sa susunod na linggo at sa susunod na buwan ay malaking rollback pa ang kanilang ipatutupad.

Mula sa $1,350 kada metriko tonelada ng LPG ay bu­magsak sa $1,220 ang contract price nito bunga ng pagbaba ng demand nito sa malalaking bansa dahil tapos na ang winter season at pa­tuloy anyang bababa ang presyo ng LPG hanggang sa buwan ng Agosto o baka umabot pa hanggang Setyembre.

vuukle comment

AGOSTO

ANIYA

ARNEL TY

AYON

BAGAMA

LPG

MULA

REGASCO

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with