^

Metro

8-anyos pisak sa bus sa loob ng terminal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Hindi na makakapagdiwang ng kanyang nalalapit na kaarawan ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos itong magulu­ngan at mapisak ng isang pampasaherong bus sa loob ng isang terminal sa Caloocan City kama­kalawa.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Rondave Suarez, ng Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan.

Nasa custody naman ng pulisya ang suspek na si Rosalio Lupio, 41, taga-Cabangan Zambales, driver ng Nissan Bus (CVP-434) na pag-aari ng Victory Liner.

Sa report na nakara­ting kahapon sa Caloocan City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insi­dente dakong alas-3:00 ng hapon sa terminal ng Victory Liner na matatagpuan sa Monumento, Caloocan City habang naglalakad ang biktima kasama ang ina at ilang kamag-anak nang mabundol ng na­turang bus.

Nabatid na nagulu­ngan ang biktima ng unahang gulong ng bus dahilan upang mabilis itong isugod sa nasabing ospital subalit hindi na umabot ng buhay. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Lupio.

Nabatid na magdiriwang ng kaarawan ang paslit ngayong Marso 26, 2012 kung saan hiling pa nito na muli silang kumain sa isang fastfood chain    subalit hindi na ito matutupad dahil sa sinapit nitong trahedya.

vuukle comment

CABANGAN ZAMBALES

CALOOCAN CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NABATID

NISSAN BUS

RONDAVE SUAREZ

ROSALIO LUPIO

TRAFFIC ENFORCEMENT

VICTORY LINER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with