^

Metro

Lalaki todas sa Russian roulette

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang beses nakaligtas sa kamatayan ngunit sa ikatlong kalabit ng ga­tilyo ay sumambulat ang ulo ng isang lalaki matapos na maglaro ng “Russian roulette” kahapon ng ma­daling-araw sa Marikina City.

Hindi na umabot nang buhay sa Amang Rodri­guez Medical Center si Rakem Taiting, 22, tubong-Marawi City at residente ng Home Owners­ Drive, Brgy. Sto. Niño, ng na­sabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Charles Paquing, ng Marikina City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-12:40 ng madaling-araw sa bahay ng biktima habang nakikipag-inuman sa pinsang si Sharifolla Parantes, 22, at live-in partner na si Liza Causapin.

Nasa impluwensya na ng alak nang ilabas ng biktima ang kanyang kalibre .357 na baril at maisipang paglaruan ito.

Nagitla ang mga ka­inuman nang biglang paikutin ng biktima ang de bola na paltik na baril at saka itutok sa sentido.

Hindi pumutok sa unang kalabit ang baril kaya nagkalakas loob ito na muling ulitin. Muli namang binu­wenas ang biktima at mu­ling pinaikot ang de bola saka itinutok sa ulo sa ikatlong pagkakataon sa kabila ng pagsisigaw at pagpigil ng mga kainuman. Dito sumambulat ang ulo ng biktima nang kalabitin sa ikatlong pagkakataon.

vuukle comment

AMANG RODRI

BRGY

CHARLES PAQUING

LIZA CAUSAPIN

MARAWI CITY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MEDICAL CENTER

RAKEM TAITING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with