^

Metro

Kelot patay sa taga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagtatagain ng umano’y dating nakaalitan nitong mangangalakal ng basura sa lungsod Quezon kamakalawa. Kinilala ni SPO2 Antonio Galauran, may-hawak ng kaso ang biktima na si Jimmy Vargas, 38, ng #651 Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

 Ayon kay Galauran, nasawi ang biktima matapos na pagsa­saksakin at tagain ng suspect na nakilala sa pangalang JR na isang mangangalakal ng basura. Nangyari ang insidente sa may harap ng isang sari-sari store sa Quirino Highway malapit sa panulukan ng Seminary Road,  Brgy. Bagbag, ganap na alas-7 ng gabi.

Bago nito, nagpunta umano ang biktima sa tindahan para bumili nang sumulpot ang suspect na armado ng jungle bolo at inatake ng taga ang una sa likod.

Nang duguang bumuwal ang biktima, agad na tumakas ang suspect bitbit ang bolo papalayo sa lugar.

Mabilis namang isinugod ng kanyang mga ka-residente ang biktima sa Quezon City General Hospital pero nasawi rin ito habang nilalapatan ng lunas ganap na alas-10:41 ng gabi.

Ayon sa kaanak ng biktima, Biyernes umano nang magkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspect sa hindi mabatid na kadahilanan na nauwi sa pagsusuntukan.

Patuloy ang pagtugis ng awtoridad sa nasabing suspect.

vuukle comment

ANTONIO GALAURAN

AYON

BAGBAG

BIKTIMA

BRGY

JIMMY VARGAS

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUIRINO HIGHWAY

SEMINARY ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with