^

Metro

Paslit natupok sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa na namang paslit ang nasawi habang isa pa ang nawawala sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, hindi pa naman mabatid ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay.  Nabatid sa Las Piñas Fire District na dalawang bata na may edad na 4 at 1-taong gulang ang naipit sa nasusunog na bahay.

Sumiklab ang naturang apoy dakong alas-10:55 ng umaga sa residential area sa may Manggahan, BF Resort, ng naturang lungsod at umabot ng ikaapat na alarma bago naapula ng mga bum­bero pa­sado alas-12 ng tanghali.

Umabot sa 15 kabahayan ang natupok ng naturang apoy kung saan nasa 27 pamilya ang magpapalipas ng Bagong Taon nang walang tahanan.

Matatandaan na kama­kalawa ng madaling-araw, dalawang paslit din ang nasawi nang maipit din sa kanilang nagliliyab na bahay sa Brgy. Talon Uno, ng naturang lungsod.

vuukle comment

BAGONG TAON

BRGY

FIRE DISTRICT

ISA

LAS PI

MANGGAHAN

MATATANDAAN

NABATID

SUMIKLAB

TALON UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with