^

Metro

Bumastos sa puntod nina Ninoy at Cory, kilala na

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kilala na ng pulisya ang suspek na bumastos sa puntod ng mga magulang ni Pa­ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong nakaraang Disyembre 25 sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si Mariano Alganion, taga-Sta. Rosa, Laguna.

Base sa rekord ng pu­lisya, nabatid na noong Disyembre 25 ay ginasgas at binuhusan pa ng grasa ang puntod nina dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at da­ting Pa­ngulong Corazon Aquino, sa Manila Memorial Park, Parañaque City.

Ayon kay Sr. Supt. Billy Beltran, hepe ng Para­ñaque City Police, na­tukoy nila ang suspek base sa rekord hinggil sa insi­dente noong Oktubre 31, ng taong kasaluku­yan, na dina­kip ang nasabing suspek ng Presi­dential Security­ Group nang tangkain nitong lumapit sa Pa­ngulo para iabot ang mga hawak nitong dokumento.     

Sinabi ni Beltran na sa­sampahan­ nila ng kasong malicious mischief si Alganion dahil sa ginawang pambababoy sa puntod ng mga magulang ng Pa­ngulong Aquino.

vuukle comment

AQUINO

AQUINO JR.

BILLY BELTRAN

CITY POLICE

CORAZON AQUINO

DISYEMBRE

MANILA MEMORIAL PARK

MARIANO ALGANION

SENADOR BENIGNO

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with