^

Metro

Rumesbak sa kaaway, estudyante patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Hindi inaasahan ng isang 16-anyos na lalaki na magiging dahilan ng kanyang kamatayan ang kanyang pagresbak sa kalabang  grupo sa Tondo­, Maynila kahapon ng umaga­.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang bik­timang si Nicole Kith Franco­, 4th year high school at residente  ng no.611 Pacheco St.,Tondo, dahil sa tama ng saksak sa likod.

Tinutugis naman ang  lima hanggang walong suspect na pawang kabataan, na tumakas matapos ma­kitang bumulagta ang biktima.

Sa ulat ni SPO2 Edmundo Cabal ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng isang bahay sa #615 Amarlanhagui St., ng nasabing lugar.

Nabatid na nagsimbang-gabi ang biktima at kaibigang si Mark Hunter dela Cruz, nang may makasalubong  na mga kabarkada at isa dito ang isang alyas “Rea” na nagbalitang dumaan ang kalabang grupo, na nanuntok kay dela Cruz noong Disyembre 16.

Sinugod ng grupo ng biktima ang grupo ng suspect  pero dahil  dehado, nagkani-kanyang takbo na lamang sila at si Franco ay napunta sa Alarmanhagui st. kung saan siya nakorner ng kalaban at nasaksak sa likod.

Nang humandusay sa kalye ay mabilis nang nagsitakas ang  mga suspect.

vuukle comment

ALARMANHAGUI

AMARLANHAGUI ST.

CRUZ

EDMUNDO CABAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARK HUNTER

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NICOLE KITH FRANCO

PACHECO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with