^

Metro

16 na impormante ng PDEA naghati sa P3.2-M reward

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Umabot sa P3.2 milyon ang halaga ng pabuya na ipinagkaloob ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa labing-anim na impormante na naging susi para maaresto at mabuwag ang ilang malalaking sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., ang 16 na impormante ang siyang nagbibigay ng impormasyon sa ahensya sa pamamagitan ng Operation: Private Eye (OPE) upang mabatid ang mga lugar at mga taong nag-ooperate ng naturang iligal na droga.

Ang OPE ay isang uri ng pagbibigay ng pabuya at insentibo na binuo upang hikayatin ang mga pribadong mamamayan na mag­bigay ng impormasyon sa PDEA hinggil sa mga pinaghi­hinalaang nag-ooperate ng iligal na droga sa bawat komunidad.

Ang 16 na impormante ay kinilala sa kanilang mga codenames na Mayumi, Jaguar, Lyn, Tutpik, Nina De Castro, Alfa Lima, Kidlat, Jao, Eagle 2, Golf, Lady Gaga, Art Angel 2, Andrew-E, R Star, Dyeta, at Yang Chow.

Sa mga impormante, si Andrew E ang nakatanggap ng ma­laking halaga na umabot sa P1 milyon. Ang impormasyong ibi­nigay nito ang nagbunsod para masabat ang dalawang kitchen-type laboratories sa Antipolo City at Pampanga, kung saan nadakip ang limang drug personalities at narekober ang may 600 gramo ng cocaine noong May 30, 2011.

May kabuuang 36 drug personalities, kabilang ang pitong miyembro ng African Drug Syndicate (ADS), ang naaresto at 76 kilograms ng shabu, 39.5 kilograms ng cocaine at 89.1 kilograms ng marijuana, kasama ang mga kemikal ang nasamsam ng PDEA dahil sa impormasyon ng OPE.

vuukle comment

ALFA LIMA

ANDREW E

ANTIPOLO CITY

ART ANGEL

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

GUTIERREZ JR.

LADY GAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with