^

Metro

Lider ng carjacking group balik-selda

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Balik selda na naman ang tinaguriang lider ng kilabot na ‘Marteja/Briones carjacking group’ matapos na muling arestuhin ng tropa ng Quezon City Police District sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon kay Chief Supt. George T. Regis, si Edelberto Marteja, 22, ay naaresto sa kanyang tahanan sa Lorraine corner Cathe­rine St., Brgy. Apolonio Samson ganap na alas- 2 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest laban dito.

Nauna nang nadakip si Edelberto kasama ang apat pang tauhan nito ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit noong Agosto 15, matapos na matiyempuhan sa may Roosevelt Quezon Avenue, bunga ng warrant of arrest na ipinalabas ng Malolos Regional Trial Court sa kaso ng carnapping.

Matapos nito ay agad na nakapag-piyansa si Marteja dahilan para siya muling makalaya. Ayon naman kay Chief Inspector Rodelio Marcelo ng Criminal Investigation and Detection Unit, muling dinakip si Marteja dahil sa walong nakabinbing kasong kriminal na inihain ng DACU laban sa kanya sa prosecutor’s office.

APOLONIO SAMSON

AYON

CHIEF INSPECTOR RODELIO MARCELO

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DISTRICT ANTI-CARNAPPING UNIT

EDELBERTO MARTEJA

GEORGE T

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT

MARTEJA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with