^

Metro

Driver utas sa riding-in tandem

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Utas ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Richard Poul Solomon, 38, ng 8th Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Baltazar St., 8th Avenue, West Grace Park ng nabanggit na lungsod habang naghihintay ang biktima ng pasahero sa nabanggit na lugar nang bigla na lamang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito. Nang ma­tiyak na patay na ang target ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin sakay sa motorsiklong Enduro na hindi nakuha ang plaka.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang pa­mamaril sa biktima.

vuukle comment

BALTAZAR ST.

BIKTIMA

BLANGKO

CALOOCAN CITY

GRACE PARK

KINILALA

NANG

RICHARD POUL SOLOMON

WEST GRACE PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with