^

Metro

Kasambahay na minaltrato ng amo, nasagip

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sabunot, tadyak at suntok!

Ito ang dinanas ng isang 16-anyos na kasambahay mula sa kanyang amo matapos na sagipin ng Manila Social Welfare Department (MSWD) at Manila Police District-Police Station 1 sa Tondo, Maynila. Dakong ala-1:30 kahapon nang sagipin ng mga awtoridad si Anna, mula sa kamay ng kan­­yang among si Rod Ronquillo, 30, sa J. Cunanan St. Gagalangin Tondo, Maynila.

Puno ng pasa ang katawan at bukol sa ulo si Anna. Nabatid na isang kapitbahay ang nakasaksi sa pagmamalupit kay Anna kung kaya’t agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

“Nagkamali lang po ako ng abot, imbes na keso, e manti­kilya ang naibigay ko, tapos po sinuntok na niya ako at ti­nadyakan inuntog pa rin ang ulo ko sa gate ng bahay”, ani Anna.

Nalaman kay Jay de la Fuente, hepe ng MSWD na maging ang cellphone ng biktima ay kinuha pa ng suspect at hindi na ibinalik.

Nabatid na may limang buwan na umanong naninilbihan ang biktima sa suspect pero dalawang buwan pa lamang ang pinapasahod sa kanya, kung saan P2,500 kada buwan dapat ang kanyang suweldo.

vuukle comment

CUNANAN ST. GAGALANGIN TONDO

DAKONG

FUENTE

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE STATION

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

MAYNILA

NABATID

NAGKAMALI

ROD RONQUILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with