^

Metro

Pandesalan hindi pinatawad ng riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nalimas ang kinita ng isang sangay ng Pan de Manila matapos na holdapin ito ng riding in tandem suspect sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District, ganap na alas-7:30 ng gabi nang pasukin ng mga suspect ang sangay ng Pan de Manila na matatagpuan sa Tandang Sora Avenue sa lungsod.

Ayon kay Liezel Silva, 19 empleyado ng nasabing establisimento, bago ang insidente pumarada umano ang isang motorsiklo sa harap ng kanilang tindahan sakay ang dalawang lalaki.

Isa umano sa mga suspect ang pumasok at nagpanggap na kostumer habang ang isa pa ay nanatili sa labas at nagsilbing look out.

Pagpasok ng isang suspect ay bigla itong naglabas ng baril at patalim sabay tutok kay Silva at deklara ng holdap.

Agad na hiningi ng suspect ang tatlong cellphone ng kumpanya at P3,200 kita nito, sabay alis sa tindahan at sakay sa motorsiklo na naghihintay sa labas at umalis.

vuukle comment

AYON

ISA

LIEZEL SILVA

NALIMAS

PAGPASOK

QUEZON

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SUSPECT

TALIPAPA POLICE STATION

TANDANG SORA AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with