^

Metro

SSG member sinalvage

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang miyembro ng notoryus na Sigue-Sigue Sputnik gang ang patay matapos barilin ng hindi natukoy na salarin sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ni PO3 Roland Belgica, ang biktima na nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’5”, moreno, nakasuot ng sports short at itim na t-shirt.

Tadtad din ito ng tattoo­ sa katawan kabilang ang grupong sputnik, scor­pion  “Rico Santos” sa kaliwang kamay, tribal at pitbull sa kaliwang balikat, Guns and Roses sa kanang balikat, mukha ng agila sa ibaba ng likod, at mga pa­ngalang  Indo Santiago, Bobie Hernandez, Bong M sa dibdib.

Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa katawan mula sa kalibre 45 baril.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Mindanao Avenue sa Barangay Bahay Toro, Tandang Sora, ganap na alas 3 ng madaling araw.

Ayon kay Joey Abagu, caretaker ng Auto Click Car Exchange sa naturang lugar, nagising siya nang ma­karinig ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas.

Dito niya  nakita ang bik­­­tima na tumatakbo sa kahabaan ng Mindanao Ave­nue habang humihingi ng tulong sa ilang istambay. 

Matapos nito ay nabuwal din ang biktima at agad na nawalan ng buhay. Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AUTO CLICK CAR EXCHANGE

BARANGAY BAHAY TORO

BOBIE HERNANDEZ

BONG M

GUNS AND ROSES

INDO SANTIAGO

JOEY ABAGU

MINDANAO AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with