^

Metro

Pekeng grupo ng OP ni-raid, 50 miyembro timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang pekeng orga­nisasyon na  nagpa­panggap na nasa ilalim ng pamamahala ng Office of the President ang sinalakay ng mga operatiba ng Quezon City Police District ha­bang 50 miyembro nito ang inaresto kahapon.

Nakumpiska sa sinalakay na tahanan sa No. 301-C Road 1, Brgy. Bagong Pagasa na ginagamit ng grupo na tinagurian nilang “Presidential Regional Assistant Monitoring Services” PRAMS ang mga laminated IDs ng Office of the President.

Ang pagsalakay ay base sa ipinalabas na search warrant ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Regional Trial Court Branch 89 laban kay Marcelino Castro ang tu­matayong executive director ng PRAMS. 

Ayon kay QCPD d­i­rector Chief Supt. George Regis, lumilitaw sa kanilang ginawang beripikasyon sa Securities and Exchange Com­mission na walang record ang PRAMS at hindi nag-o-operate sa ilalim ng Office of the President.

Sinabi ni Regis, ang grupo ay nagre-recruits ng miyembro at nangungulekta ng bayad sa miyembro na may pangakong magkakaroon sila ng puwesto sa gobyerno.

Nahaharap umano ang grupo sa kasong paglabag sa hindi awtorisadong paggamit ng tatak ng Office of the President, pagpalsipika, paghuwad sa tatak ng pamahalaan, pamemeke ng lagda o pekeng stamp at iligal na paggamit ng uniporme at tsapa.

Sinabi ni Regis na wala ding business permit ang grupo.

Nabatid naman kay QCPD deputy director for operations Sr. Supt. Ranier Idio, ang mga miyembro ay pinanga­kuan na bibigyan ng suweldo na aabot sa P30,000 hanggang P35,000 kada buwan. Pero ang suweldo ay manggagaling sa sandaling ang pondong P3 bilyon ay dumating mula sa tanggapan ng gobyerno.

Napag-alamang ma­ tagal nang minamanmanan ng pulisya ang operasyon ng grupo hanggang sa ma­kum­pirma ang pagi­ging bogus nito hanggang isinagawa ang pagsalakay

vuukle comment

BAGONG PAGASA

C ROAD

CHIEF SUPT

GEORGE REGIS

JUDGE CECILYN BURGOS-VILLAVERT

MARCELINO CASTRO

OFFICE OF THE PRESIDENT

PRESIDENTIAL REGIONAL ASSISTANT MONITORING SERVICES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with