^

Metro

Pumalag sa sita, patay sa bala

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 23- anyos na lalake makaraang mabaril ng isang security guard matapos na magtalo sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Ermar de Leon, helper ng Loco Hills, Brgy. Banlat sa lungsod.

Tinutugis naman ang suspect na si Rolando Artap, sekyu ng Mustang Security Agency na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nangyari ang insi­den­te sa may Leg compound Fairview St., Brgy. Payatas ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Bago ito, nasa loob umano ng compound ang suspect at kinukuha ang kanyang uniporme sa may nakaparadang garbage truck nang ma­kita nito ang biktima.

Dito ay binawalan umano ng suspect ang biktima dahil baka madisgrasya ito, pero pumalag ang huli sanhi upang mauwi ito sa mainitang pag­­tatalo. Habang nagtatalo ay sinuntok umano ng suspect ang bik­tima, dahilan para tangkain naman ng huli na agawin ang nakasukbit na baril nito at mauwi sa pagpapambuno.

Subalit, dahil malakas, nagawang maagaw ng suspect ang baril mula sa biktima at binaril ito sa kaliwang bewang saka tumakas. Agad namang itinakbo ang biktima sa East Avenue Medical Cen­ter, ngunit idineklara din itong patay.

vuukle comment

BANLAT

BRGY

DITO

EAST AVENUE MEDICAL CEN

ERMAR

FAIRVIEW ST.

LOCO HILLS

MUSTANG SECURITY AGENCY

ROLANDO ARTAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with