^

Metro

Karnaper tigok sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang isa sa apat umanong karnaper na tumangay ng kanyang motorsiklo sa harapan ng kanilang bahay sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang suspect na kinilalang si Christian Pabalan, residente ng Batanes St., Sampaloc, Maynila.

Kinilala naman ang nakabaril na pulis na si PO1 Michael Daygo­ Maravillas, 34, nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, at residente ng Ramon Magsaysay St., Sta. Mesa.

Naganap ang insidente dakong alas-8:50 ng gabi sa ilalim ng Light Rail Transit (LRT) sa V. Mapa at R. M. Boulevard sa Sta. Mesa.

Ipinarada umano ng pulis sa tapat ng kanyang bahay ang motorsiklo na may nakakabit pang ‘for registration’ at hindi pa nagtatagal nang marinig niya ang sigaw ng kapitbahay na tinatangay umano ng apat na lalaki ang kanyang motorsiklo.

Hinabol ni Maravillas ang mga suspect habang nagpapaputok sa ere at nagawang makipagbuno kay Pabalan na nagtangka siyang paputukan habang nailagan umano ang putok mula sa kasamahan ng suspect.

Nabaril niya si Pabalan habang nakatakas umano ang tatlo pang di kilalang suspect. Bigo naman ang tatlo pang suspect na matangay ang motorsiklo ng pulis.

vuukle comment

BATANES ST.

CAMP BAGONG DIWA

CHRISTIAN PABALAN

LIGHT RAIL TRANSIT

MARAVILLAS

MAYNILA

MICHAEL DAYGO

PABALAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

RAMON MAGSAYSAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with