^

Metro

Mister binaril ni misis, sekyung umawat patay din

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang mister at isang security guard ang nasawi makaraang mabaril ng naghihinagpis na misis ng una, sa isang in­sidente ng “crime of passion” sa lungsod Quezon kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Rodel Marcelo ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Que­zon City Police District, ang nasawing mister na si Abel Macapugay, 30, promodizer at residente sa Hagonoy Bulacan; at ang security guard na si Ricardo Inamac III, 24, ng #066 Steve St., Brgy. Common­wealth.

Si Macapugay ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo habang si Inamac ay nasawi dahil sa tama ng bala sa likod at kaliwang hita.

Nasa kustodiya naman ng CIDU ang namaril na si Sheila Macapugay, 25, asawa ni Abel.

Ayon sa ulat ni SPO2 Flo­rencio Escobido, nangyari ang insidente sa may parking area sa likod ng isang mall sa North EDSA ganap na alas-7:30 ng gabi.

Bago ito, nagawang ma­ilusot ni Sheila ang baril nang magtungo ito sa naturang mall partikular sa basement kung saan nagtatrabaho ang asawang si Abel para kausapin kaugnay sa kanilang pagsa­sama, partikular ang paghingi ng sustento para sa 5-anyos nilang anak.

Sinasabing Enero ng kasa­lukuyang taon nang iwan ni Abel ang kanyang misis at nakisama umano ito sa ibang babae.

Matapos ang pag-uusap, naramdaman umano ng babae na ang kanilang pamilya ay hindi na mabubuo kaya biglang binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan sa ulo si Abel.

Nang makita ni Sheila na duguang humandusay ang asawa ay nagpasya na rin itong tapusin ang kanyang buhay at itinutok sa ulo ang baril pero, nakita siya ni Inamac na noon ay naka-duty sa lugar at tinangka siya nitong iligtas.

Subalit pumalag si Sheila at nakipag-agawan ng baril hanggang sa madulas si Inamac at bumuwal sa semento sanhi para barilin siya ng una.

Isang security guard na nakilalang si Efren Sangcaya ang biglang dinamba ang baril kay Sheila at inaresto ito.

Tinangka pang isugod sa QC general ang dalawang biktima, pero agad na nasawi si Inamac habang patuloy na ginamot si Abel, ngunit alas-2:42 ng madaling-araw ay binawian din ito ng buhay.

Sinasabing pinlano ni Sheila­ ang krimen dahil nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang kung saan may iniwan pa umano itong suicide note na hu­mi­hiling ng pag-aaruga sa kanilang anak, bunga na rin ng pagkakaroon umano ng ibang babae ng kanyang asawa.

Sa panayam ng mga ma­mamahayag, sinabi ni Sheila­ na ipinangako na niya sa kan­yang sarili na bago siya mamatay ay uunahin na muna niya ang kanyang asawa.

“Hindi ko kasi matanggap na iniwan niya kami at pinagpalit niya kami dun sa kabit niya,” sabi ni Sheila.

Narekober kay Sheila ang isang kalibre 38 baril at apat na basyo ng bala na binili niya sa halagang P4,000.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa naturang insidente habang inihahanda ng kasong parricide at homicide laban kay Shiela. 

vuukle comment

ABEL MACAPUGAY

CHIEF INSP

CITY POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EFREN SANGCAYA

HAGONOY BULACAN

INAMAC

ISANG

SHEILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with