^

Metro

Binata utas sa karibal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang binata ng kanyang karibal sa pag-ibig matapos ang mainitang pagtatalo hinggil sa babaeng kanilang nililigawan kahapon ng umaga sa Navotas City. Nakilala ang nasawi na si Gene Antonio Bailen, 23, ng R-10, North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod. Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Nonoy at kalugar ng biktima. Base sa ulat, dakong alas-2:30 ng umaga nang maganap ang insidente di-kalayuan sa bahay ng suspek at biktima. Ayon sa ulat, nagkasalubong ang biktima at suspek sa nasabing lugar kung saan agad na sinita ng huli ang una kung bakit umano nito pinopormahan ang babaeng kanyang nililigawan. Nagpaliwanag naman ang biktima subalit hindi ito pinakinggan ng suspek na naging dahilan upang magtalo hanggang sa magsuntukan ang mga ito. Nagawang mabunot ng suspek ang dala nitong baril at agad na pinutukan ang biktima bago mabilis na tumakas, habang dinala naman si Baelin sa naturang pagamutan subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

vuukle comment

AYON

BAELIN

BINARIL

GENE ANTONIO BAILEN

NAGAWANG

NAGPALIWANAG

NAKILALA

NAVOTAS CITY

NONOY

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with