^

Metro

Tinedyer binoga sa baba

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 16-anyos na estudyante matapos mabaril sa naganap na rambulan ng dalawang grupo ng kabataan kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Napuruhan sa bahagi ng mukha at ngayon ay inoobserbahan sa Ospital ng Makati ang biktimang itinago sa pangalang Daniel ng Anahaw St. sa Brgy. Comembo.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Ronald Villa­randa ng Makati City PNP station, naganap ang insi­dente sa kahabaan ng M.H. del Pilar St. sa Brgy. Rizal.

Nabatid na nagsagupa ang magkalabang grupo ng kabataan kung saan kabilang ang biktima sa rambulan.

Sa kasagsagan ng rambol­ ay biglang umalingaw­ngaw ang putok ng baril kung saan nakitang duguan ang bik­tima. Blangko naman ang mga imbestigador ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek habang pa­tuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANAHAW ST.

BLANGKO

BRGY

COMEMBO

KASALUKUYANG

MAKATI

MAKATI CITY

NABATID

PILAR ST.

RONALD VILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with