^

Metro

P5-M ari-arian tupok sa 2 sunog sa Valenzuela

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 5 milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo sa magkasunod na sunog na naganap sa Valenzuela City kahapon. 

Sa unang insidente nasunog ang Home Base Company, isang Furniture Establishment na pag-aari ng mag-asawang Dee, kapwa Chinese trader sa Lambada St., Don Pablo Subdivision, Valenzuela City, dakong alas-8:55 kamakalawa ng gabi.

Tumagal ng apat na oras ang sunog, bago naapula ang malakas na apoy dakong alas-12:56 kahapon ng madaling araw kung saan tinatayang aabot sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Dakong alas-8:00 kahapon ng umaga nang tupukin naman ng apoy ang isang residential area sa Brgy.Balangkas, sa nabanggit ding lungsod.        

Nabatid na mahigit sa 80 pamilya ang nawalan na tahanan, samantalang tinatayang mahigit sa P2 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang nilamon ng apoy.

Wala namang iniulat na nasawi, habang patuloy na iniimbestigahan ng mga arson investigator ang nasabing insidente.

vuukle comment

AABOT

BALANGKAS

BRGY

DAKONG

DON PABLO SUBDIVISION

FURNITURE ESTABLISHMENT

HOME BASE COMPANY

LAMBADA ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with