^

Metro

4 karnaper timbog sa QC

- Ricky Tulipat, Mer Lay­son -

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga opera­tiba ng Quezon City Police (QCPD) ang apat na hinihinalang carjackers, kabilang ang isang Marine reservist na umano’y responsable sa serye ng carjacking incident sa Metro Manila matapos na masabat sa isang checkpoint sa La Loma sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Supt. George Regis, QCPD Director, ang mga suspect na sina Garry Ceriaco, 37, Philippine Marine reservist; Erick Equila, 31; Reynaldo Peralta, 40, at Carlo Montalban, 47.

Ayon kay Regis, ang mga suspect ay naaresto ng Station Investigation and Intelligence Branch at Station Anti-Carnapping Unit sa kanto ng D. Tuazon St. at Cuenco St., Bgy. Lourdes, Quezon City ha­­bang lulan ng isang kulay puting Toyota Innova na peke ang plaka.

Natiyempuhan umano ang mga suspect habang nagsa­sagawa ng checkpoint ang tropa kung saan nagduda ang mga ito sa plaka ng sasakyan ng mga suspect na minamaneho ni Equila. Dahil dito agad na sinita ang mga suspect at nang walang maipakitang dokumento ay saka sila inaresto.

“Lalong naging matibay ang pagdududa ng ating mga kapulisan nang malamang ang plakang nakakabit sa hulihan ng sasakyan ay plaka na dapat ay sa truck, ga­yundin ng mapuna ang isa sa kanila na may nakaumbok na baril kaya sila inaresto,” sabi ni Regis.

Dito ay nagsimulang mag­ pakilala si Ceriaco bilang miyembro ng Marines ngunit sa ipinakitang identification card ay isa lamang siyang re­servist.

Nakumpiska sa mga sus­pect ang .380 semi-automatic pistol ni Ceriaco at nang kapkapan sina Equila, Peralta at Montalban, sila ay nakumpiskahan ng tig-isang kalibre .38 “paltik”.

Sa ginawang interogas­yon sa mga suspect, inamin ni Equila na kaka-carnap la­ mang nila sa isang Toyota­ Fortuner (ZLA 736) sa Man­daluyong City ganap na alas-12:05 ng madaling araw, ka­sabay ng pagkanta na itinago nila ito sa may isang auto repair shop sa Old Balara, Quezon City.

Agad na rumisponde sa auto repair shop ang mga operatiba at narekober ang Fortuner na pag-aari ni Anthony De Vera ng Mandalu­yong City. Nabatid din ng QCPD mula sa LTO ang plakang nakakabit sa likuran bahagi ng Toyota Innova na (NNI-374) ay nakarehistro sa isang Isuzu cargo truck kung saan ito ay reported na ninakaw.

Ayon pa kay Regis, aalamin nila kung may kaugna­yan umano ang mga suspect sa pinakahuling insidente ng carnapping incident sa Mitsubishi Montero na pag-aari ng isang judge sa Brgy. Tandang Sora, noong Hulyo 29 kung saan binagbabaril at napatay ang driver na si Marlon Quiocho, 33, ganap na alas-5:30 ng umaga.  

vuukle comment

AYON

CARLO MONTALBAN

EQUILA

ISANG

QUEZON CITY

REGIS

SHY

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with