^

Metro

Driver dinedo sa loob ng pinapasadang taxi

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nakatali ang mga kamay at paa, binalutan ng packing tape sa mukha at saka pinagsasaksak ang isang driver ng hindi pa kilalang suspek nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng pinapasadang taxi kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Perlito Villafuerte Jr., 38, ng Maligaya St., Antipolo City.

Sa inisyal na report ng Malabon City Police, dakong alas-5 ng umaga, nang mapansin ng mga residente ang nakaparadang Larry & Leth Taxi sa kahabaan ng Mango Road, Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod. Nang silipin ang likurang upuan ay doon nakita ang bangkay ng biktima. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY

KINILALA

LETH TAXI

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MALIGAYA ST.

MANGO ROAD

NAGSASAGAWA

PERLITO VILLAFUERTE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with