^

Estudyante hiniwa ng blade sa mukha

- Ni Ludy Bermudo () - June 19, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dumulog kahapon sa tanggapan ng Manila Police District-Women and Children’s Concern Division ang 12-anyos na dalagita na nasira ang mukha nang hiwain ng blade ang kanyang pisngi ng kapwa estudyante, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng madaling-araw.

Sa reklamo kahapon kay SPO1 Maria Theresa Solidarios ng biktimang itinago sa pangalang “Mara”, 1st year sa M. Araullo High School sa UN Ave. Ermita, Maynila, dakong alas-3 ng madaling-araw nitong Hunyo 17, nang maganap ang insidente sa tapat ng Grand Hotel and Restaurant, panulukan ng D. Jose at Rizal Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila.

Kasong physicial injuries ang inihahandang isampa laban sa suspect na itinago sa pangalang “Clara”, 16, 4th year ng Doña Teodora Alonzo High School, na matatagpuan sa Alvarez St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, magkasama umano ang suspect at biktima kasama ang iba pang barkada sa nasabing lugar upang makipag-areglo sa kanilang nakalabang grupo.

Nang magkaroon ng komprontasyon, lumabas na ang biktima ang dahilan kaya napaaway ang grupo nila sa kabilang grupo na humantong sa paninisi ng suspect.

Nang sampalin umano ng suspect ang biktima ay may hawak umano itong blade, kaya duguan ang biktima na nahiwa ang pisngi mula sa gilid ng ilong.

ALVAREZ ST. ARAULLO HIGH SCHOOL CONCERN DIVISION CRUZ GRAND HOTEL AND RESTAURANT MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN MARIA THERESA SOLIDARIOS MAYNILA NANG RIZAL AVENUE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with