^

Metro

Lolo todas sa pamamaril ni 'Waway'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 73-anyos na lolo ang patay habang dalawa katao pa ang sugatan nang pamamaril ang isang lalaki sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng QCPD-Station 6, nakilala ang nasawi na si Marcelino Rorsa, ng #536 Tabigo St., Brgy. Commonwealth, habang sugatan naman sina Alexander Sabalsa, 30; at Juliet Delsa, 46, kapwa mga residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, target umano ng pamamaril ng suspect na nakilala lamang sa pangalang “Waway” si Sabalsa na dati na nitong kaalitan subalit nadamay lamang sina Rorsa at Delsa na pawang tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon kay PO3 Alden Lassam ng PS6, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima ganap na alas 9:30 ng gabi.

Bago ito, papasok umano ng bahay ang biktimang si Sabalsa nang biglang humarang sa daraanan nito ang suspect at agad na siyang pinaputukan nito nang malapitan.

Sa kabila ng natamong sugat, nagawa pang makatakbo ni Sabalsa  papasok ng kanyang bahay para makapagtago, pero sinundan siya ng suspect at muling pinaulanan ng bala.

Kasalukuyang natutulog ang mga biktimang sina Rorsa at Delsa sa loob ng bahay na tinamaan din ng bala sa katawan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na sumibat palayo ang suspect, habang ang mga biktima ay isinugod naman ng kanilang kaanak sa New Era Hospital kung saan idineklarang patay si Rorsa, ganap na alas-10:45  ng gabi.

Patuloy ang pagtugis ng awtoridad sa nasabing suspect.

vuukle comment

ALDEN LASSAM

ALEXANDER SABALSA

AYON

DELSA

JULIET DELSA

MARCELINO RORSA

NEW ERA HOSPITAL

RORSA

SABALSA

TABIGO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with