^

Metro

Iniwan ni misis, mister nagpasagasa sa LRT

- Nina Angie Dela Cruz at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na obrero na sinasabing hindi matanggap ang pag-iwan sa kanya ng misis ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa Light Rail Transit sa Quezon City ka­hapon ng umaga. 

Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Rodito Alfredo, ng Brgy. Escopa, Project 4, Quezon City, gayunman na­putol naman ang kanyang kaliwang braso bukod pa sa tinamong mga pasa sa katawan. Agad itong isinugod sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa ulat, dakong alas- 10:11 ng umaga nang maganap ang insidente sa Cubao Station ng LRT-Line 2, matapos na mula sa platform ay biglang tumalon ang biktima habang paparating ang tren.

Ayon sa mga nakasaksi, matapos na tumalon ang biktima ay agad itong tinulungan ng mga security guard at iniwas sa paparating na tren, gayunman minalas na mahagip at naputol ang kaliwang braso nito.

 Nabasag din umano ang windshield ng unahan ng tren dahil sa lakas ng impact ng pagtalon ng lalaki.

 Ang insidente ay naging da­hilan din ng isang oras na pag­kaantala ng operasyon ng LRT Line 2 na biyaheng Cubao patungong Recto Station, dahil kinailangan pang magsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at alisin ang kamay nito na naiwan sa ilalim ng tren.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, sinasabing iniwan si Alfredo ng asawa dahil sa wala itong permanenteng trabaho at dahil sa hindi matanggap ang nangyari sa kanya ay inisip na magpakamatay sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa tren.

vuukle comment

ALFREDO

AYON

BRGY

CUBAO

CUBAO STATION

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LIGHT RAIL TRANSIT

QUEZON CITY

RECTO STATION

RODITO ALFREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with