^

Metro

Pilar Pilapil, nakalabas na ng ospital

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng kapatid ni Pilar Pilapil na si Leo na nakalabas na ng pagamutan ang actress at nagpapagaling na nga­yon sa kanilang tahanan.

Ayon kay Leo, noong Biyernes Santo ay lumabas na ng The Medical City sa Pasig ang actress at nasa maayos nang lagay, bagamat sumasailaim pa rin ito sa therapy dahil sa mga saksak ng ice pick na tinamo sa katawan.

Sinabi  ni Leo na tumatanggi pa ring humarap sa media si Pilapil at ang pagpapahinga at pagpapagaling ng husto ang prayoridad nito ngayon.

Hindi pa umano pinag-uusapan ng kanilang pa­milya ang kanilang susunod na hakbang hinggil sa kaso na hawak na ngayon ng Task Force Pilar.

Matatandaang kama­kailan ay isinugod sa pa­ga­mutan si Pilapil matapos na itapon ng mga hini­hi­nalang carjackers sa isang madilim na lugar sa Antipolo City.

Sinasabing sakay ng isang bagong Kia ang ak­tres, kasama ang pa­mang­kin ng kaniyang asawa na si Roselle Penas nang bigla na lamang sumakay sa backseat ng sasakyan ang dalawang di kilalang suspect habang bumibiyahe ang magtiyahin sa tapat ng Marikina Riverbanks.

Hinila umano ng mga suspect sa likurang bahagi ng sasakyan si Pilapil at saka ito pinagsasaksak, sa kabila ng pakiusap nito, at tinigilan lamang nang magkunwaring patay na.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ng mga awtoridad ang pamangkin ni Pila­pil at ang sasakyan, na tinangay ng mga suspect sa kanilang pagtakas.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

BIYERNES SANTO

HANGGANG

MARIKINA RIVERBANKS

MEDICAL CITY

PILAR PILAPIL

ROSELLE PENAS

SHY

TASK FORCE PILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with