^

Metro

2 holdaper dedo sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Utas sa mga tauhan ng pulis-Maynila ang dalawang holdaper na nangholdap sa isang umano’y police asset sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Bumulagta sa kalye at kagyat na namatay ang mga suspect na sina Marlon Dulay, 19, miyembro ng Bahala na Gang at isa pang hindi nakikilalang kasamahan nito.

Napag-alaman na dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa panulukan ng Laong- Laan at Navarra Sts., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na isang babaeng police asset ang pina­kawalan ni Supt. Jemar Modequillo sa lugar kung saan madalas ang holdapan at snatching hanggang sa lapitan siya ng mga suspect na riding in tandem habang nakatayo at kunwaring nag-aabang ng dyip habang bitbit sa balikat ang bag na may lamang laptop.

Tinutukan ng baril ang police asset at inagaw ang laptop bag kaya mabilis na lumapit ang mga nakaposteng tauhan ni Modequillo subalit inambaan na sila ng tutok ng baril ng mga suspect kaya agad nilang pinaputukan ang dalawa.

Nakuha sa kanila ang isang kalibre .38 revolver, at kalibre .22, kutsilyo at Suzuki motorcycle, habang nabawi din ang bag at laptop na ipinain sa mga holdaper­.

vuukle comment

BAHALA

BUMULAGTA

JEMAR MODEQUILLO

LAAN

LAONG

MARLON DULAY

MAYNILA

MODEQUILLO

NAVARRA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with