^

Metro

Riding-in-tandem utas sa shootout

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng riding-in-tandem ang nasawi makara­ang makipagbarilan sa mga rumespondeng tropa ng Quezon City Police ilang segundo makaraang agawan nila ng bag ang isang ginang sa lungsod kamakalawa.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga na­sawing suspect.

Ayon sa ulat, nasabat ng tropa ng Police Station 10 ang mga suspect sa may Dr. Garcia Street malapit sa Panay Ave­nue, Brgy. Pinyahan, sa lungsod ganap na alas-10 ng gabi.

Bago nito, napag-alamang hinoldap muna ng mga suspect ang isang Rubie Jarabelo, 39, ng Waling-Waling Street, Roxas District, Quezon City habang naglalakad malapit sa naturang lugar. Sinasabing galing si Jarabelo sa isang drug store at papa­uwi na nang lumapit sa kanya ang isa sa apat na suspect at hinaltak ang nakasukbit na bag.

Ang malakas na sigaw ang ugat para makakuha ang biktima ng atensyon sa tropa ng pulisya na humabol sa mga suspect na sakay ng isang motorsiklo. Pagsapit sa naturang lugar ay pinaputukan umano ng mga suspect ang mga awtoridad dahilan para gumanti ang mga huli ng putok at ilang saglit pa, nakita na lang na nakabulagta ang mga una.

May narekober sa mga suspect na isang granada at isang kinakalawang na kalibre 38 baril ang mga pulis na ayon sa kanila ay indikasyon na lalaban ang mga ito at hindi papahuli ng buhay.

vuukle comment

DR. GARCIA STREET

PANAY AVE

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

ROXAS DISTRICT

RUBIE JARABELO

SUSPECT

WALING-WALING STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with