^

Metro

2 patay sa Makati shootout

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang barilin sa batok ng isang hinihinalang hitman na napaslang din ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya, kahapon ng hapon sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Mario Reyes, dating pinuno ng sidewalk and clearing operations ng Makati City Hall, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa nasawing gunman.

Sa inisyal na ulat ng Makati police, kumakain sa isang lugawan sa may P. Ocampo Street, Brgy. Pio del Pilar ang biktima dakong alas-2:30 ng hapon nang dumating ang dalawang lalaki lulan ng isang berdeng Honda Wave motorcycle (ND-9477). Bumaba sa motor ang nakaangkas na suspek, nilapitan ang biktima at pinaputukan nang malapitan sa may batok gamit ang isang kalibre .38 baril saka mabilis na tumakas.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Makati police kung saan nagkaroon ng habulan at palitan ng putok. Makaraan ang 30 minuto, nadiskubre ang bangkay ng isa sa mga suspek sa may P. Medina Street na may tama ng bala sa katawan.

Isang masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng Makati police upang mabatid ang motibo at pagkaka­kilanlan ng mga salarin sa naturang krimen.

vuukle comment

BRGY

BUMABA

HONDA WAVE

ISANG

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MARIO REYES

MEDINA STREET

OCAMPO STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with