^

Metro

Iniwan ng nobya, tomboy nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Isang tomboy ang nagbigti matapos na iwan ng kanyang nobya kamaka­lawa ng hapon sa Paco, Maynila.

Nag-iwan pa ng suicide note ang biktimang si Michelle Paterno, ng #1651 Union St., Paco, Maynila para sa kanyang dalawang anak kung saan nakasaad ang, “Mahal na mahal ko kayo. Patawarin ninyo ako wala akong kuwentang tao. King, huwag mong kalimutan ang mga bilin ko sa iyo, wag mong pabayaan ang kapatid mo, magmahalan kayo, magtapos kayo ng pag-aaral para di kayo matulad sa akin. Alagaan ninyo si Lola niyo. Huwag ninyo akong tularan.” 

Sa imbestigasyon ni  SPO3 Henry Ignacio ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5 ng hapon nang kumuha umano ng iinuming tubig ang anak ng biktima na si Michael sa loob ng kanilang bahay nang masorpresa sa nakitang nakabigti at walang buhay na ina. Bandang alas-3 ng hapon nang makita pa niyang buhay ang ina at naglaro umano siya sa labas ng bahay. 

Ibinunyag ni Michael, isa sa dalawang bio­logical child­ren ng biktima na nalungkot ang kanyang ina dahi­l nilayasan ito ng nobyang si Alexandra Villa­rica noong Enero 26, 2011 kaya umano nagpakamatay ito. Madalas nagkakasakitan ang dalawa at may walong taon nang nagsasama. 

Kinumpirma pa ng ba­rangay kagawad na si Apollo Quiando na ikalawang pagkakataon na ang pagpapatiwakal ng biktima na noong una umano ay naglaslas ng pulso nang kalasan din ng dating unang nobya.

vuukle comment

ALAGAAN

ALEXANDRA VILLA

APOLLO QUIANDO

BANDANG

HENRY IGNACIO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHELLE PATERNO

UNION ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with